You go unnoticed but you're everywhere, you're in everyone and you make a difference in each person's life. That's the kind of freedom one deserves.

Home » Archives » 09. May 2006

Baguio Noon

May 9, 2006

            

 

Nag-ayos kami ng kabinet noong isang araw it isang album ang biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Isang album na puno ng aming mga litrato ng pagpunta namin sa Baguio noong bata pa kami.

Naalala ko itong lugar na to. Tinawag ko itong “biggest playground in the whole world”. Kapag pupunta kami ng Baguio noon yung malaking playground lang ang hinahanap ko. Tumatayo pa rin ang balahibo ko kapag naiisip ko kung gaano ko na enjoy maglaro. Buong araw, kahit sobrang init, wala akong tigil. Sabik kung baga. Pakiramdam ko dito lang ako naging malayang maglaro ng maglaro. Kaunti lang ang naglalaro dito, parang aming-amin lang ang lugar (sobrang mahiyain ako noong bata at di mahilig makipaglaro sa ibang bata, kasama na ang hindi ako marunong makipag-agawan ng puwesto - loser ata ang tawag sa mga ganito). Isa pa, may mga laruan sila na di pa makikita sa Manila noon - wala pa kasing McDonald’s playhouse (ang naalala ko lang yung sa Tropical Hut at Shakey’s… nyak). Tama na ang kuwento. (more…)

Posted by kath at 11:46 am | permalink | Add comment